Thursday, June 14, 2012

Independence Day

12 June 2012

(c) Stephanie Bermudez

Celebrating independence day at Intramuros! :) Ang goal lang namin para sa araw na ito ay lumamon at pumotoshoot. Haha! Matagal na naming gustong i-claim yung discounted buffet coupon namin galing sa MetroDeal, at dahil araw ng kalayaan   meaning walang pasok, nilubos na namin! Weee~ Nagkataong nasa Intramuros din yung resto na kakainan namin, o diba, swak sa araw.

Pero actually, planado na ang paglamon na ito bilang nag pa reserve na kami beforehand. We have two choices, either lunch or dinner buffet. Pag dinner, may cultural dance presentation; kapag lunch buffet naman may mang ha harana. We chose the lunch buffet since mas available ang nakararami. The name of the place is Barbara's Restaurant. You can check their website for more information.

(c) Stephanie Bermudez
They have this kind of room near the entrance. It's barely lighted during that time. Kulang nalang kandila at bolang kristal. . . at si madam Auring, pwedeng pwede nang magpahula! :)) Pero I like this. 

Don't you think the mirror is cute? :D (c) Stephanie Bermudez
(c) Stephanie Bermudez
Pavlova
This made my mouth water! Ito talaga ang bumungad sa amin. Makikita kasi mula sa pinto yung area ng desserts.  They served mostly Filipino dishes. They served us soup first tapos kami na yung kumuha ng iba pang food. Ang una sa long table ay Ensalada Filipina. May talong, labanos, hilaw na manga, kamatis, etc. Syempre may rice pati mga ulam: adobo, laing, kare-kare, lumpiang ubod, fish fillet, etc. May pancit din! For dessert, there's banana sesame, sago't gulaman, and pavlova. b(^v^)d Naka round 2 ako. Okay naman yung food, decent. <~yun lang talaga ang na i comment. haha!

What it looks like inside. (c) Stephanie Bermudez
acoustic entertainment (c) Stephanie Bermudez
The entertainers! Haha! Ang galing nila! Ang husay ng blending. Kinantahan nila kami ng tatlong kanta. Modern daw yung samin: Baby, Marry You, at may isa pa na hindi ko maalala. Andami kasi nilang kinanta eh, syempre meron ding ibang guests. Pero sobrang enjoy! Habang kumakain kami merong acoustic entertainment.  

Pagkatapos naming kumain, pinuntahan namin ang Fort Santiago. Php50.00 ang entrance fee para sa mga estudyante na may ID. May gamit parin talaga ang ID. :))

tunnel-like path going to CR
Goal #1   CHECK! On to goal #2 na kami, ang photoshoot! Yey! At dahil diyan, may pagpapalit attire na naganap. :)) Kakaiba ang daanan patungong banyo. Pero cool~

Nakakaloka ang photoshoot, inabot kami ng more than 30 minutes sa damuhan para lang kumuha ng litrato. Take note, malapit lang sa gate yung damuhan. Haha! Eto ang iilan sa napakaraming litrato.
Black team. (edited by Stephanie Bermudez)
test shots (c) Stephanie Bermudez
group pic (c) Stephanie Bermudez 
jump shot (c) Stephanie Bermudez
The wall. (c) Stephanie Bermudez
Kahit wall lang yan, kahit walang relevance, basta surface pumopose kami. Wala lang, bakit ba? HAHAHA! Nagtataka siguro yung ibang mga tao dahil sa ginagawa namin. O baka, natatawa! Seryoso, may narinig pa ako, ang sabi, "The wall," sabay tawa! :))

Eto na nga, papasok na sa loob. :)) (c) Stephanie Bermudez
bronze footsteps (c) Stephanie Bermudez

Ito daw ang final steps ni Jose Rizal mula sa kanyang kulungan patungo sa Bagumbayan. Okay sana ito kaso hindi masyadong realistic, mas malaki pa kasi sa paa ko yung bronze footspteps, e maliit lang ang shoe size ni Rizal. Size 5 ata? E size 7 ako. Haha! This needs citation. :)) But good thing they have something like this. Paano kaya nila na estimate 'to? Hmmm.

I saw some tourists plus kids visiting the place that day. And I learned something new! Lotus is India's national flower! Overheard lang, pero I consulted my ever best friend in matters like this    Google, at totoo nga. Haha! Sorry na, ngayon ko lang nalaman. :P

Kalesa (c) Stephanie Bermudez
Another thing that I learned that day has something to do with kalesa. Ako gusto ko talaga sumakay sa kalesa, kaso umuurong ako sa presyo at sa baho. Have you tried being near or even riding a kalesa? I'm sure may naamoy kayo, at hindi yun kaaya-aya. Haha! Habang pabalik kami nasaksihan namin ang eksenang ito.  Nakahinto muna sila, tapos maya-maya biglang may lumabas sa pwet nung kabayo. Kita naman sa picture eh, yung yellow thingy. Tumae sya. Haha! Sorry for the word ha, pati yung sa pwet, wag na natin i-bleep! O edi tapos na yung kabayo sa paglalabas ng sama ng loob, si kuya naman bumaba tapos may kinuha sa likod ng kalesa. Kinuha niya yung pandakot o lagayan ng tae at walis tingting. Paiksiin na natin, dinakot niya! Tapos nilagay uli sa likod ng kalesa! Nakakaloka! Kaya pala 1) walang pakalat-kalat na dumi ng kabayo, at 2) may mabahong amoy sa kalesa. Bow.

bokeh pic of the day (c) Stephanie Bermudez

And this is Stephanie's pinaghirapan-bokeh picture of the day. Hindi pa kami close nung camera na gamit niya, wala man lang akong matinong kuha. HAHAHA! Pero ito, kuha nya ito actually lahat ng may (c)Stephanie Bermudez sa caption. Antiyaga niya sa pagkuha! Nung umpisa dalawa pa yung langaw eh, kaso ang likot nung dahon, sinasayaw ng hangin. Kahit nangangawit na siya, go parin sa pagpicture. At worth it naman, nakuhaan niya ang langaw na ito. :) 

Ayun lang. Hihi~

No comments:

nRealate